Go Back   Viprasys - Your #1 source for freewares > General > Other Languages & Cultures

Other Languages & Cultures Chat With Other Members in your own language.

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Sulat ni Tatay Roxy Anne Pinoy Jokes 0 06-10-2010 04:39 AM
Sulat ni Itay xboxxtreme Pinoy Jokes 0 06-06-2008 08:38 PM
Natutunan ko kay Inay at Itay xboxxtreme Pinoy Jokes 0 05-22-2008 07:28 PM
ang sulat... -=KAYE=- Pinoy Jokes 1 02-18-2008 07:49 AM
ANG SULAT. BOW.......... ladylibra018 Pinoy Jokes 0 10-31-2007 08:59 AM

Post New Thread  Reply
 
LinkBack Thread Tools Display Modes
Old 03-16-2008, 11:22 PM   #1 (permalink)
lii__MEMORY_STORAGE__iil
 
__kullet__'s Avatar
 
Join Date: Aug 2007
Location: MOTHER__EARTH
Posts: 211
VipraSys Cash: 51,429.35
Thanks (Given): 0
Thanks (Received): 0
Likes (Given): 0
Likes (Received): 0
__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute__kullet__ has a reputation beyond repute
Send a message via Yahoo to __kullet__
Languages & Cultures Ang Sulat Ni INAY AT ITAY:) (Filipino)

Sa aking Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon
ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin
ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang
tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang
lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at
paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,
paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't
hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil
ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang
aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
__________________

To view links or images in signatures your post count must be 0 or greater. You currently have 0 posts.


__TO SHOW APPRECIATION JUST PRESS THANKS BUTTON__


Last edited by __kullet__; 03-16-2008 at 11:25 PM.
__kullet__ is offline   Reply With Quote
Reply

Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Trackbacks are On
Pingbacks are On
Refbacks are On



All times are GMT. The time now is 06:41 AM.


Powered by vBulletin®
Copyright ©2000 - 2014, Jelsoft Enterprises Ltd.
Content Relevant URLs by vBSEO 3.6.1
vBCredits II Deluxe - vBulletin Mods & Addons Copyright © 2010-2014 DragonByte Technologies Ltd.
Feedback Buttons provided by Advanced Post Thanks / Like v3.1.6 (Pro) - vBulletin Mods & Addons Copyright © 2014 DragonByte Technologies Ltd.
The logos and trademarks used on this site are the property of their respective owners.
We are not responsible for comments posted by our users, as they are the property of the poster.